|
Isang araw mayroon akong cellphone na vodafone, bigay saakin, pero ang tanong ko sa nagbigay saakin anong gagawin ko dito? wala naman akong ka-textmate, uubusin lang ang pera ko para sa 300 prepaid load, nag-eexpire, at bakit pa kinakailangan akong guluhin ng SMART para sabihin saakin na may ka-textmate ako at may bonus na hindi naman ako interesado? Ayun ipinagkalat ko sa lahat na may cellphone na ako Ako: MAY CELLPHONE NA AKO YEHEY!!! Mga Epal: UY BODAHPOUNE ANONG NAMBER MOH?!?!?! Mga Epal ulit: UY TEXMEYT SIGE AH BIGYAN KITA KOUTS Ako: EH alam ko na naranasan niyo na rin ito.... Kaninang umaga hinihintay ko ang tawag ng isang kaibigan, para alamin kung tuloy ba ang lakwatsa o hindi para naman mapakita ko yung aking mga inilikhang letrato sa kanya, oo tumawag siya sabi magkita kami sa isang lugar na alam ko kung saan kaming magkikita, sabi ko darating ako dyan ng isang oras. nagkataon wala siya, nasaisip ko na Inindyan ako, at kung sasabihin ko sayo ang totoo, insulto saakin ang taong bigla nalang nawawala, tulad ng kaibigan kong hamog na di ko alam kung siya ay si halo man Sa di kanaisnais may nag-text saakin (RING RING) Saan ka? nagkataon wala akong load, pero ang nasa isip ko nasaan kayo, umiinin na ulo ko, high blood pa ako, wala akong load, tumawag ka nalang kung nagtext ka man uli na; "nasaan ka" pipilitin ko tawagin si madam Kutstra para alamin kung nasaan ka at kapag nahanap kita, Magiging incredible hulk muna ako tapos uubusin ko ang ang lahi niyo BWAHAHAHAHA pero sa di kanais-nais text ulit; "Nasaan Ka" HAY nako, sa tigpipisong load dinila ilagay sa simpleng pangungusap, pwede naman pahabain tulad nito "Nasaan ka? nandito ako sa (lugar) tawag nalang ako blah blah blah" pero hindi eh, text lang na; "Nasaan ka" Kaya eto nalang ang gagawin ko, bago ako makupit ng magnanakaw para kuhanin ang cellphone ko, eto nalang ang isang bagay na tipong maglilihum sa aking hinagpis. umuwi muna ako sa bahay at pumunta sa rooftop, tapos inihagis ko ang cellphone ko mula hagdanan hanggang sa ibaba, ayun warak ang cellphon ko pero ang masaklap dito masaya na ako |
| STEPHANIE- Baguio June 1, 2009 11:51 PM PDT ang cute nman ng kwento mo.. ngyare nrin skin yan.. kung iisipin mo ng mabti.. nkakatawa..hahahahahahaha paano pag tagiisang milyon un cp mo.. itatapon mo pa rin | ||
| NOO March 12, 2008 07:17 PM PDT TITI SA NOO SI JEROME LUPA MUKA PANG BAktOL AT SANDOK ANG PUET!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! | ||
| Leave a Comment: |