|
Kumusta na, pasensya na kung di ako masyadong nagsusulat este type dito sa blog na ito, maraming pangyayari na gusto kong sana isulat dito kaso, napapaisip ako kung gagawin ko ito o hindi. sa kamay ko lang ang nakasalalay kung gusto kong sabihin ang naka-ukit sa utak ko o hindi, maaring delikado o nakakabuti sa karamihan ang nilalaman ng aking isipan o sabihin nalang nating emosyon, Siguro mapapaisip kayo kung bakit ko ito sinasabi, ang totoo niyan eh marami nga talagang nangyari saakin, marami na rin akong naranasan sa labas, lalo na ang mag jaywalk sa delikadong kalsada na muntik ko nang ikamamatay. sa pangyayaring ito, gusto ko sanang ipaalam na kinakailangan ko nang ipagkalat ang aking impluensya o naranasan, simula pa lang kung saan nagawa ang Kwentong Unknown ang totoo niyan ang tawag dito ay Evianese Underground o EU, yung site na ito na nabura sa mundo ng internet dahil ang dami kong mga mensahe na tipong mga pagsasaad ng Advertisment ng Viagra at Condom. Wala akong pakiaalam dun kaya dalawa lang ang pagpipiliian burahin o tiisin ang walang kwentang spam na di ko kinailangan sa buhay. bura na ang EU pero babalik ito kung nakahanap ako ng paraan o kung nakahanap ako ng saklolo sa mga publisher o copyright ng sino mang kumpanya, pero ang pagsubok na ito ay hindi nagiging madali, simula pa lang sa magulang hanggang sa aking ikinabubuhay. Gusto ko na sanang pumanaw pero, may dahilan pa kung bakit ako nabubuhay, isang dahilan lang kung bakit nabubuhay ako, yan ay tungkol sa tinatawag kong "LEGACY" kung ano man ito sa ating wika. Ito ang layunin ng isang manunulat, gusto kasi ng manunulat na malaman ang nasa kalooban nila, gusto nila baguhin ang mundo kaso, ni minsan di sila sinuswerte, kabilang na ako sa mga taong tipong minamalas, dahil kaunti na lang baka sumuko pa ako at sunod niyan baka makita mo na ako sa abs-cbn o sa gma naging artista na ang ginawa lang ay mag-paalipin umiyak o gumaya ng palabas na isinagawa ng taga ibang bansa. habang may buhay may pag-asa, kaya habang nabubuhay pa ako, ipinagdadasal ko na sana makamtan ko ang aking pangarap bilang isang manunulat
|
| MITCH SANTOS October 14, 2007 06:08 PM PDT OO NGA, NO MAIGSI LANG ANG BUHAY KAYA DAPAT WAG NATING SAYANGIN ITO ANG BUHAY NATIN MGA MANUNULAT. DAPAT AY INILALAAN NATIN SA MAS MAKABULUHAN PAG-GAWA NG MGA ISTORYA GAYA KO ALAM MO MAGALING AKONG WRITER EH GIFTED BAGA, YUN DIN ANG SABI NG MGA KAIBIGAN KO AT NG MGA UMIIDOLO SA AKIN KAYA LANG HANGGANG NGAUN WALA PARIN AKONG MAISIP NA GAWIN ISTORYA. TULAD NG SINABI MO MARAMI RING ISTORYA NA NAKA- UKIT SA KUKOTE KO AT NAKASALALAY ITO SA AKIN MGA KAMAY KUNG ISUSULAT KO BA TO, KUNG KAILAN, KUNG BAKIT EWAN KO. BAKIT NGA BA ? HINDI AKO MAKAPAG - SULAT....BAKA NAMAN BUSY LANMG AKO KAHIT WALA AKONG GINAGAWA | ||
| Leave a Comment: |