|
Tamad nga ba ang mga pilipino? Hindi siguro, kung makikita mo lang sa ating mga kababyan nating OFW at OCW ay nagsakripisyo sila para pumunta sa ibang bansa para tulungan ang kanilang anak at ang ating ibang bayan dahil sa mga dolyares na ibinibigay nila buwan-buwan. Kung makikita mo lang ang mga ang kababayan nating pumunta sa ibang bansa, ay hindi naman talaga sila tinatamad magtrabaho, halos sinusunod ang kanilang batas at . . . . Teka lang napapalayo na tayo sa kwento, kung tutuusin puro ibang bansa lang ang pinag-uusapan dito, pero kung tatanongin mo lang saakin kung tamad nga ba ang mga pilipino? ay dalawa lang ang masasagot ko, oo at hindi, depende. Yung oo sinabi ko na at yung hindi, ihanda mo na ang sarili mo para ika’y mabinyagan sa katotohanan. Ayon sa mga naranasan ko, nagkaroon kami ng renovation sa bahay, kinakailangan namin ng karpintero, sa unang linggo, maganda naman ang kanilang hanapbuhay, pero nang dumating sa huli, di ko na alam kung ano ang nangyari, dati rati ay walo ang pumasok, nang nakatapos ng isa o dalawang linggo, tatlo nalang ang pumasok, hanggang sa tuluyan nang nawala at nagkaroon ng unfinish project, na ganito rin ang nakikita mo sa express way. Hanggang sa nalaman ko kung bakit, nakulangan daw sila ng sahod sa kakabili ng sobrang dami ng materyales, kaya tinamad na sila magtrabaho, wika nga. Kung sa paaralan din kung tawagin, mayroon din namang ibang mga kaklase na gusto niyang wala siyang ginagawa, basta mabayaran niya lang ng sapat sa kanilang proyekto pasado na siya, dahilan daw tinatamad daw siyang gumawa, nasanay sa utos, wika nga. Sa isa pang-huling hirit ng sinabi ng isang “foreign germs” saakin tungkol sa katulong, sabi daw niya; (nakasalin sa wikang tagalog)“di raw mabubuhay ang pilpino sa amerika kapag “winter”dahil daw nasanay na sila sa pagkakaroon ng katulong”, tamad daw kasi sila. Wika nga! Kung sasabihin ko sayo ang totoo, hindi naman talaga nabuhay bilang tamad ang mga pilipino. Sa isang pahina na nabanggit sa libro na ginawa ni Zaide; Ayon daw kay Rizal, hindi naman talaga tamad ang mga pilipino. At eto ang kanyang dahilan. Tayo daw ay nakatira sa isang “tropical island” na tag-araw at tag-ulan lang ang panahon di kagaya ng iba na may “winter, spring, summer at kung ano pa”. Kung ang panahon ay malamig, masyado tayong antukin, nahirapan daw gumalaw. at kung ang panahon ay mainit, nahihirapan naman tayong buhatin ang ating katawan, kasi bwusit daw ang init. Di ako sigurado kung tama nga ba ang mga sinabi ni ka-Jose Rizal, sa naibanggit sa taas, pero aaminin ko sayo na naranasan ko na rin ang katamaran sa buhay, dahil na rin sa naibanggit sa itaas. Ang katamaran ay isang sumpa na ibinigay saatin, hindi ko alam kung paano ko ito lutasin, pero ang tanging masasabi ko lang ay “ wag sanayin, kinakailangan itong labanin” buhay na ang nakasalalay kung ika’y tamarin. Isipin mo: kung ang iyong pinakamamahal na nilalang ay nangangailangan ng tulong, dahil sabihin nalang natin na sasagasaan ng tren, darating ka ka ba para tumulong o tatamarin ka sa iyong unawa? Nasa iyo na ang kasagutan, isa lang dapat ang pag-piliian. Tamad nga ba si Juan tamad? Sa aking paniniwala, hindi. Sa mga sinabi ni ka-Jose rizal, hindi na rin ako naniwala, dahil kung makikita mo ngayon ang iba-pang “tropical countries” ay medyo at parang umuunlad na sila, pero tayo naman ang buma-baba. mga tribo nga parang lubhang nasanay na sila sa panahon, na-parang di sila tinatamad magtanim ng palayan ng sobrang aga. Ang dahilan kung bakit tayo nabuhay o nasabing tamad, ay dahil nasanay na tayo sa ginhawaang inimpluwensyahan ng mga makapangyarihan. Dito na tayong nag-umpisang nasanay at sa bandang huli natapos na ito sa katamaran. |
| Leave a Comment: |