Welcome to my Blogsite





MGA KWENTONG UNKNOWN













IPV_XIII
Male
EVERYWHERE


NAME:
IPV_XIII

ADDRESS
Kahit saan sa mundong napupuntahan ng ilan pero nag-migrate ako sa mars.

ABOUT ME
Si IPV_XIII ay kasalikuyan pang inaalam ng Siyentipiko at simbahang katoliko ukol sa mga theorya kung sino ba talaga siya...

AGE
9999

About this blog

Ewan ko kung ano nga ba ang tungkol sa blog na ito, maraming nagsasabi na ang blog na ito ay kwentong bayan, basta ang alam ko lang na ang blog na ito ay kwentong unknown....

Questions

Kung may tanong, sumulat lang sa tagboards sa may baba, bawal ang flood kung gustong alamin ang aking sikretiong private email, ay hindi ko na sasabihin kasi kung sinabi ko hindi na siya sikreto pero pwede ring naman patulan yung email na nakasulat sa baba..

Email
>>>>vampiric_tutor_16[at]yahoo.com <<<<

pwede niyo na rin siya I-add sa walang kamatayang friendster (wag kalimutan ang testimonial) kung may tanong at pakirandam niyo na natamaan kayo sa sinulat ko send lang sa email sapat na saakin ang death threat wag lang ang virus


PINANGGALINGAN

  • Evianese Underground


  • CLICK ME


  • FAQ

    para sa mga nilalang na gustong magtanong.... (coming soon pa sa totoo lang tinatamad na akong gumawa ng web page at hindi ko kayang sagutin ang mga tanong ng bawat nilalang sa mundong ito, nauubos lang ang oras ko blah blah blah blah)

       

    << November 2009 >>
    Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
    01 02 03 04 05 06 07
    08 09 10 11 12 13 14
    15 16 17 18 19 20 21
    22 23 24 25 26 27 28
    29 30



    MGA KAPITBAHAY NAMIN

    KWENTONG ANONYMOUS

    KWENTONG ENIGMA

    KWENTONG OBSCURE

    KWENTONG INDISTINCT

    KWENTONG UNKNOWN



    MGA QUOTES Galling kay Bob Ong











    OTHERS


  • Deviant Art


  • Contact Me

    If you want to be updated on this weblog Enter your email here:


    rss feed

    blogdrive

    Monday, November 07, 2005
    Mga Kwentong Kalat sa Loob ng bahay

    [Mga kwentong kalat sa loob ng bahay]

     

    Isang araw nakitira ako sa bahay ng aking pinsan kong babae, maliit lang ang bahay, malinis di siya gaanong mukhang kubo, pero para saakin para na rin itong mansyon na akala mo mayaman ang nakatira dito. Dahil sa malinis ang bahay, sensitibo ang pinsan ko sa mga kalat, tulad ng basura. Lahat maaayos di tulad ng kuwarto ko na parang apocalypse ang dating.

     

    Nang tumagal, pinapunta ako ng aking pinsan sa kwarto para matuluyang akong magpahinga, ay nga pala maghahati nga pala kami ng kuwarto, bali siya matutulog sa sahig at ako naman sa kama, maliit kasi ang bahay, pero maganda, kulang nalang tumira siya sa malaking mansyon.

     

    Tatlong taon lang akong makikitira sa bahay ng pinsan ko, pinag-babalaan na ako palagi sa simula palang na “bawal dito ang kalat”, kundi papalayasin ako sa kanyang bahay,

     

    Lahat dito ay nananatiling malinis, lahat ng dekorasyon ay nananatili ring maaayos di ko na namalayan na lahat pala ng uri ng dekorasyon ay gawa sa basura, magaling siya pagdating sa sining o art kung tawagin, dito ko nadiskobre na ang basura pala ay pwedeng kitain na pwede ring gawing dekorasyon, recycled.

     

    Isang araw umalis ang pinsan, mga ilang buwan daw siyang magbabalik, kung hindi ba naman akong gago nalimutan ko na ang kanyang batas, bumalik ako sa pagiging barbero, halos lahat kalat-kalat ang damit ko nalimutan nang labahin, nandoon lang sa kutson, ang sahig punong-puno ng mga kinain na potato chip at sa kwarto ay naging abomination, na parang nagkapalit anyo sa pamamagitan ng aking kwarto sa kanyang bahay.

     

    Di man lang akong nahiya sa sobrang linis na pinaghirapan niyang ayusin at gawing maganda ang bahay niya, dumating lang ako dito at naging makalat na ang itsura, isipin mo nalang ang mga libo-libong basura ng payatas dumpsite ay magkasing kalat lang ng aking pinasukan ng bahay ng pinsan ko. Hanggang sa isang araw na siya ay tumawag, na sabi raw na darating siya sa bahay.

     

     

     

     

     

    Agad akong nag-panic, nagmamadali, nag-iisip parati na kung ano ang gagawin ko para linisin ang kanyang magandang bahay, pero wala akong nagawa, patuloy pa rin akong palakad-lakad hanggang sa ako’y mapagod at nawalan na ng pag-asa.

     

    Aaminin ko sayo na kasalanan ko ang pangyayari kung sana nga lang di ako masyadong nagkakalat at ginawang payatas ang kanyang magandang bahay, di sana ako magkakaganito, walang hiya anak ng pating hanggang dito nalang ako. 

     

    Darating ang pinsan ko na mahigit walong oras at may pitong oras pa ako natitira samantalang kaya ko itong linisin ang mga nagawa kong kalat sa loob ng mahigit na isang linggo o pwede ring isang buwan, anong gagawin ko? Mag-isa lang ako dito, tulungan niyo ako.

     

    Wala na akong nagawa ang kaya ko lang gawin ay magreklamo hanggang sa napilitan ko talagang linisin ang mga nagawa kong kalat, sa tulong ng dust pan at walis at kaunting tulong na rin ng apoy para ito ay sunugin.

     

    Nang natapos na ang walong oras na paghihintay, dumating na ang pinsan ko, nakita niyang malinis ang bahay, at masaya siya na hindi daw ako social parasite at talagang inalagaan ko ng husto ang bahay niya, bilang ganti rinegaluhan ako ng kwintas bilang pagsasalamat.

     

    Ano ang nangyari bakit naging malinis ang bahay? Sa totoo lang nilinisan ko talaga, dahil sa di ako nawalan ng pag-asa at nananatiling bilib sa sarili, nalinisan ko ang bahay ng aking pinsan, walang himala, walang pandaraya, na imbis na isang linggo ko ito matapos, natapos ko ito ng isang oras at labin-anim na minuto.

     

    Dahil sa mga bagay na napaniwalaan ko na hindi ko kaya, kapag ginawa ko pala ngayon, dito ko pala namalayan na kaya ko pala, sa ngayon naniniwala ako na wala palang imposible sa mundong ito kung ginawa mo talaga ngayon.

     

    Sana ganito din ang gawin ng mga Pilipino, kahit na alam ko na ang kwentong ito ay hindi totoo


    Posted at 10:57 pm by IPV_XIII
    Make a comment

    Monday, October 10, 2005
    Ang Abnormalidad ng StopLight sa Metro Manila

    [ANG ABNORMALIDAD NG STOPLIGHT SA METRO MANILA]

     

    Kamakailan lang sa araw-araw na ginawa ko habang buhay, para pumunta lang sa aking destinasyon kung saan palagi natin ginagawa buhay-buhay para kumita ng pera.

     

    Gumising ako ng maaga, bago siguro pagdating ng araw habang ako ay nakabihis na at kumakain na ng hapunan, maganda ang panahon, nakasakay ako sa isang sasakyan, magaan ang kalsada wala masyadong trapko, hanggang sa napunta kami sa Pasay, napa-tigil ang buong sasakyan, huminto kami ng limang minuto, hanggang sa kami ay umandar at biglang tumigil na wala pang sampung sikundo, hanggang sa nalaman na namin na may diperensya ang stoplight.

     

    Sa kahabaan ng trapiko esteh tigil ng sasakyan, napag-aalaman namin na bawat sekundo ay nakaka-buo na ng pila sa likod namin na di na namin namalayan na halos naiinip na ang maneho sa kakahintay.

     

    Ano ba ang problema ng stop light na yan? Sabi ko

     

    Umandar na kami sabay tumigil, gagawa lang sila ng stoplight sablay pa ang pag-pipili kung kailan siya hihinto. Nang binilang ko ang oras kung saan magsisimula ang kulay pula ng ilaw ng stoplight na nakatutok saamin, umaabot ito ng limang minuto at tatlongput-anim na sikundo, pero kung papalit naman ng berdeng kulay, aabot lang ito ng lima hanggang sampung sikundo.


     

    Naaasar ako kapag ganito ang nangyayari sa abnormal na stoplight na ito, di halata siguro na parang sinasadya o deretsong iniinsulto kami para maranasan ang abnormalidad ng isang stoplight na ito.

     

    Wala bang balak, gumawa ng paraan ang MMDA o kung sino mang masipag na nilalang para lutasin ang problemang ikinahaharap ng kalsada ang abnormalidad ng stopligh.

     

    Kung mayroon man, suwerte ang dating, kung wala, malas, iniisip ko tuloy sa aking sarili na nandyaan ako sa itaas ng stoplight at nag-pla-planta ng C4, para ito ay pasabugin pero kathang isip lang ito, di ko na kasi nagustuhan ang bagay tulad ng pag-giging abnormal ang stoplight na ito.

     

    Maswerteng nakaalis na kami ng hamak sa tuluyan, sa isang stoplight na di kami sigurado kung talagang na-malfunction, o tuluyang nabulok ito dahil di inaalagaan ng bawat nilalang o talagang iniinsulto at inaasar kaming sambayanan para makita ang isang bagay na nakakairita.

     

    Palapit na kami sa aming destinasyon, traffic! Dahilan nasira na ng tuluyan ang stoplight, buti may MMDA, para magawan ng paraan upang controlin ang nakakagimbal na traffic.

     

    Pero ng dumating na kami sa aming destinasyon, ibang kwento na ito na hindi ko na tatalakayin, kung di lang na-babagok na ako at tinatamad sa pagkukwento ng bagay tulad ng stoplight.

     

    Sa problemang tungkol sa abnormalidad ng stoplight, hindi lang isang beses ang pangyayaring ito sa buong buhay ko, kundi marami nang beses ko na ito nararanasan bawat araw depende kung ganong kaaga akong gumising, depende sa panahon, sa bawat lugar ng Metro Manila.

     

    Ito lang siguro ang katangian ng bawat nabubulok na abnormal na stoplight, una ang pagkakaroon ng bulok na sistema na limang sekundo kapag berde ang kulay at gagawing limang minuto kung pula ang kulay, at ang pangalawa ang pagiging at parang tuluyan na ng nasia ang stoplight na nakalimutan atanng ayusin.

     

    Sana di ko na maranasan at maulit muli ang mga bagay tulad ng naibanggit sa itaas, tungkol sa abnormalidad ng stoplight sa metro

     


    Posted at 04:34 pm by IPV_XIII
    Comments (2)

    Wednesday, September 28, 2005
    Para sa ikauunlad ng bayan


    May nabasa ako sa isang balita sa internet tungkol sa Venable company kung tatanongin mo saakin kung ano itong hindi ko alam... Basta ang balita ko na ito daw yung Raket ni Noberto Gonzales, Basta ang pagkakaalam ko na ang Venable na ito ay isang kontrata tungkol sa tutulungan (pero ang pagkaintindi ko ay makialam) daw tayo ng mga banyaga para baguhin (i-improve daw) ang ating konstitusyon  para sa ika-uunlad ng bayan na kinakailangan nating bayaran ng mahigit S75,000 dolyar kada buwan.

    Sabi daw nakakatulong daw ito sa ating mga "Armed Forces" at pulisya pero ang tanong kailangan pa ba natin ito? nabayaran o nasimulan daw ito noong july 25 pa raw sa tulong ng mga private donors, teka ! Saan nakuha yung pera? Sino yung private donors na sinasabi ni Gonzales? ito ang sagot...

    Gonzales: the private donor prefers to remain anonymous

    Maraming mga Sikretong nagaganap, may mga bagay na nangyayari sa Malacanang na hindi nating alam, tapos pag-kagising natin wala na pala ang pilipinas, grabe nakakatakot na ito! isipin mo kung ang mga banyagang ito tinulungan tayong baguhin ang ating constitution eh di sira na ang ating tinatawag na sovereighty di ba dapat tayo ang gumagawa nun? talaga bang malaya na tayo o baka naman hanggang ngayon ay nagpapaalipin pa tayo sa mga taga-ibang bansa? di kaya? wika nga

    Hmmm.... iniisip ko lang yung nangyari sa balikatan, tinuturuuan ng mga kano ang mga pilipino kung paano makipaglaban, eh walang hiya yung mga kano ata ang nangangailangan ng saklolo kung paano mamuhay sa pilipinas, sa madaling salita walang kwenta yung ginagawa ng mga gobyerno natin, binabalak ata nila ibenta ang pilipinas, nakikialam na nga yung mga militante, nakikialam na ang simbahan pati ba naman yung mga lintang taga-ibang bansa nakikialam na rin.... mahal niyo pa na ang pilipinas?

    Pero ano ba itong Venableng ito? nakaka-randam ata ako siguro ng kasamaang nangyayari dito, ewan ko lang pero ang masasabi ko lang sa administrasyong ito ay mas marumi pa sa basura, once a bad president always a bad president.

    alam ko ang sasabihin niyo na anti-GMA ako pero ayoko rin naman kay ERAP, kung gusto niyo talaga umunlad ang bayan alamin muna ang problema tulad ng sinabi saakin ng aking dalub-guro 

    "ang problema kasi ng pilipino ay puro kayabangan, banban naman kung lumaban"

    Di na ako magsasalita...............




    Posted at 06:57 pm by IPV_XIII
    Make a comment

    Wednesday, September 07, 2005
    History is just keeps repeating our past

    May isang tao na nagtanong saakin kung ano raw ang masasabi ko sa impeachment ni gloria? ang tanging sagot ko lang "history is just keeps repeating its past" tinanong saakin kung bakit? di na ako nagsalita pa sa bandang huli dahil kung ano man ang masasabi ko sa impeachment ito lang siguro ang masasabi ko sa aking sarili....

    "see evil, hear evil but please don't talk evil the only thing you do is listen better watch their actions rather than just listening through their word"

    sa ngayon malilipat namana ng usapan tungkol sa ating kasaysayan, malimutin nga ba ang mga pilipino? ewan ko lang dito pero ayon sa isang mensaheng nabasa ko sa isang diyaryo ang pinoy daw ay isang likas na maawain at masyadong kinakalimot ang problema (escapism). pero alam niyo ba ito ang nagiging dahilan kung bakit lumalala ang ating problema?

    Napansin ko lang na masyadong sanay sa simple ang mga pilipino pero alam niyo ba na "simple things might lead through destruction" kung sanay tayo palagi sa simple sa tingin ba niyo ba na mapapaunlad pa natin ang pilipinas?

    dati nagkaroon tayo ng magagandang kapayapaan na parang tipong walang nangyayari tulad ng edsa-people power, lahat tayo ay nagsama parapatalsikin si marcos pero ang kalabasan naman ay nagkaroon tayo ng panibagong problema hindi kaya "simple recognition might result to conflict" ewan ko nakakita tayo ng problema iniisip na natin ang solusyon pero hindi kaya siguro masmaganda kung aalamin muna natin kung bakit at papaano tayo nagkaroon ng problema? para maiwasan natin ang susunod pang problema?

    kung hindi natin makita ang problema ngayon uulit ito ng walang katapusan

    pero ang tanong ano nga ba ang problema (kung may sagot) bakit tayo nagkaroon ng problema (kung may sagot) paano tayo nagkaroon ng problema, siguro malalaman na natin ang sagot sa pamamagitan lang ng tanong.

    Posted at 05:54 pm by IPV_XIII
    Make a comment

    Gangsters,cool dude, etc in the Philippines

    ayon sa aking kaalaman ang tingin daw ng kanluraning bansa ay tambakan ng mga Negro (yung afro-american concept) at tsino, wala daw tayong tinatawag na "asian thing" ayon sa isang sulatin na ginawa raw ng isang D.J sa amerika na mababasa sa bakit baliktad magbasa ng Libro ang pilipino.

    di lang yan mayroon pang isa, yung tungkol naman sa ginagawa ng pinoy, na wala daw tayong originality na sabi raw tawag saatin ay hindi "brown" kundi "black-niger". Una nang nabasa ko ito dinepensahan ko yung sinabi esteh tingin ng isang manunulat, prinotektahan ko talaga yung pagiging pilipino, siyempre pinoy ako, hanggang sa nalaman ko na ginagaya ng bawat pilipino yung mga gangster, hanggang sa pumutok sa isipan ko na hindi sinasadya, "Filipinos think they act and respond like real american"

    Sa kollehiyo iniimpluensya akong makigaya sa kanila karamihan sa mga lalake, ewan ko lang sa babae, sabi daw ito daw yung pagiging C-O-O-L na ikaw raw ay mapapabilang sa itaas kung ano man ang ibig nilang sabihin, di ako nakasama sa kanila, ayon sa magulang ko mga bad-influence daw yung mga iyon (isipin mo puro lakwatsya, palaboy-laboy, parang hindi nag-aaral at sumasagot sa magulang), ito ang dahilan kung bakit loner ako, "but anyway who cares if I'm a loner I got a great life".

    ang tawag ko sa kanila ay mga cool dudes walang ginawa kundi magpaporma at maghamon ng away at gumawa ng grupo para raw mananatiling maging malakas, pero ang tanong  anong ibig nilang sabihin na maging malakas? ito ba yung naganap na trahedya sa tondo na nagkaroon ng gang war dahilan sa kinindat lang ng isang lalake ang kasintahan? o baka naman symbolismo lang yan na pagiging isang mahinang nilalang? ang babaw naman ng kaligayahan "they are so pathetic".

    ayon sa napag-aralan ko at mga natutunan, "based on survival and escapism" ang ginagawa nila siguro sa kahirapan ewan ko, pero ayon sa aking impormasyon ginagaya daw ito sa napapanood nilang mtv o ano mang awit o kanta na ginawa ng mga blacks na ang porma ay puro pang cool dude o gangster. simbolismo ng neokolonyalismo wika nga.

    sabi nga ng isang kaibigan ko na ang pilipinas daw ay parang sibuyas kapag pinipitas walang matitira, hindi na siguro kinakailangan pang gisingin ang pilipinas kailangan siguro gisinging ang pilipino dahil sila naman ang nagpapatakbo sa pilipinas. anong kwenta ng pagiging pilipino kung ginagaya nila yung mga cool dude o gangster?

    kailangan siguro sa mga batang pilipino na impluensyahan sila ng disiplina, para lang sa ikakaunlad ng bayan...........


    Posted at 05:30 pm by IPV_XIII
    Make a comment

    Tuesday, August 16, 2005
    Norms and deviant [Reaction paper]

    Do you believe that every individual is corrupted by the system, which blocks the way of our human life? In the society of many men there are two kinds of human beings one is the norms and the other is a deviant. The norms are the one who made the system, which influence by many, which makes everyone, same as equal. While the deviant are the one who defies the system, since because they defied the system, deviants are also considered as different people who lived in the same society. 

     

    In some countries probably a dictatorial country deviants also known as the lefties people, they end up neither being killed nor shot nor even end up in the prison to protect the system created by the norms, but in some country deviants are end up being neither a rebel nor a terrorist. 

     

    Many people misunderstood this kind of behavioral structure, but I wonder does any body understand the nature of there own society? Imagine once you follow the system people were treated as an object, but you defy the system you probably end up going to jail. As I understand this kind of behavior maybe the norms are the one who dictates our way of living, no wonder there are deviants in the society.

     

    If I was going to understand human nature completely maybe there are no such things as neither civilized nor uncivilized people, only different people. We are all probably measured by class and not our own nationally maybe who knows.


    Posted at 05:07 pm by Vian
    Make a comment

    Tuesday, August 09, 2005
    Kwentong Bayan = Kwentong Unknown (I don't think so)

    Maraming nag-email saakin tungkol dito kasama na yung isang ka-grupo na hindi ko alam yung pangalan, kung ang kwentong Unknown ba ay kwentong bayan? hindi ko alam kung ano ang sasagutin ko dito kung oo at hindi, pero sige na nga oo ito ay kwentong bayan. dahil sa lahat ng sinulat ko dito ay tungkol talaga sa bayan natin. Nang hinanp ko sa search engine ng yahoo, di ko nalaman na ang kasama na pala ang kwentong Unknown sa Listahan ng kwentong bayan (sino kaya ang may pakana nun?) sa totoo lang ang orihinal na kwentong unknown ay tungkol sa mga bagay na kwentong alang magawa sa buhay, kung mapapansin mo lang yung umpisang pahina ng blog na ito puro mga raket. Pero hindi naman yan ang kwentong tatalakayin ko, pasenya na, napagtripan ko lang sumulat habang inaalam kung kwentong bayan ba ang kwentong Unknown o hindi? pero gusto ko lang malaman kung, talaga nga bang karamihan sa pinoy ay naghahanap ng kwentong bayan, kung kwentong bayan ang pinag-uusapan, malilipat naman ang usapan tungkol sa blogs... Di ko pala alam na uso pala ngayon ang gumawa ng blogs, ayon sa aking alaala nagsimula akong gumawa ng blogs noong Sept 21 2003. dahil sa globalisasyon at sa mga taong gustong gumawa ng sariling paniniwala, kwento o kaya'y mga bagay na walang magawa sa buhay nauso na sa pilipinas ang blogs, tama ka dun BLOGS, halos sinakop na ata ng blogs ang buong search engine ang blogs (isang dahilan kung bakit nahihirapan akong mag research sa internet) Nang nannood ako ng balita, pinatulan na pala ng bawat nilalang ang blogs upang gumawa ng opposisyon para kay pangulong arroyo na hindi ko alam kung lahat ng topic ay puro GLORIA RESIGN! at kung hindi ako nagkaka,ali karamihan sa mga blog users ang mga pilipino (di ako sigurado) sa ngayon nagdadalawang isip ako kung patuloy pa akong magsulat sa blog na ito, walang hiya lima-lima ang blogs ko isama mo na rin yung isa sa friendstte, tulad ng isang kasabihan "change is part of our life", karamihan sa atin ay makakahanap ng panibago na hindi natin nahanap sa kahapon..................

    Posted at 05:41 pm by IPV_XIII
    Comments (4)

    Monday, June 06, 2005
    [OPINION] Top 3 destination countries of Filipino Migrant Workers

    PHILCON Assigment

    Probably the top 3 destination countries of most Filipino migrant workers is Saudi Arabia for technical and engineering, Japan for recruitment of female entertainers or other jobs opportunities offered  and America for a greater chances of opportunities like becoming a doctor, lawyer and so on. Some of the countries that I didn’t mention are most probably populated with Domestic Helper, Seamen and care givers. But in this case however this is just an opinion


    Why are many of our fellow Filipino wants to go abroad in the Philippines, why are they choosing to work overseas instead of just working here in our own country, could it be that we don’t have our own industry? Could it be a form of Escapisms? Or could it be that working overseas is just a form of a tradition, like a provincial tribe migrates in manila, to work, just to have for neither a better opportunity nor a better future. But then again the ones who lived in manila couldn’t satisfy themselves for what they have given because of there worst experience like poverty, instead of working here in there own native land, they decide to work abroad to earn profits.

     

    But according to my professor in Economy there is a push and pull factor towards many people, meaning there are several reason why they go abroad, first reason probably should focus on employment, first of all it is a shamed that our country doesn’t have there own industry and second, speaking of employment, unemployment is very high and probably it can be found anywhere. So how can you find a job in the Philippines if there are no industries to work for? But even though we have an industry unemployment is inevitable. Is this the reason why many of our laborers worked abroad?

     

    Second reason probably to find a greater opportunity like I mentioned earlier, looking for a better competition, better position etc. But I am not sure about the conditions of Filipinos working abroad; some say they have a good time some where not.

     


    Posted at 10:03 pm by Vian
    Make a comment

    Monday, March 28, 2005
    KWENTONG UNKNOWN'S SPECIAL SPEECH

    Anong Problema ng Pilipinas
    BY IPV_XIII

    Mayaman ang pilipinas, maniwala kayo, ito ang yaman na nakatago sa ilalim ng lupa kung saan maraming nakatambak na basura kung saan itinapon natin sa pusod ng ilalim ng dagat, para sadyang hindi natin ito makita.

    Pero problema nga lang walang nakahanap at walang naghahanap, kaya ang naging paniwala natin, mahirap ang bansa natin, lubog sa utang dahil sa pagiging makakasarili at pagkabulag ng kagandahan ng ibang bansa.

    Ano ang nangyari saatin?

    What went wrong to our country?

    Ito ang isang katanungang ng sambayanang na maraming kasagutan na hindi matukoy kung alin ang tama, tungkol sa bayan. Dati mayaman tayo, maganda ang maynila at palaban ang mga pilipino.

    Kung dati ang tawag sa pilipinas noon ay rice bowl of asia ngayon naman basket na walang laman dahil sa lumolobong utang, pagwasak ng ilang bahagi ng industriya at sa pagkakaroon ng kahirapan sa ibat ibang syodad ng pilipinas.

    What went wrong?

    Dati magkapareho ang piso laban sa dolyar, maunlad at maayos naman ang itsura kung ang taga pamuno natin ay sadista at talagang nakakapaninding balahibo, pero nang sa oras nang dumating ang panahon na ang pinuno natin ay happy-go-lucky na kahit anong hiling natin ay susundin niya, dito naman nagsimulang bumagsak ang piso laban sa dolyar.

    What went wrong?

    Sabi daw nagsimula ito noong tayo ay naging malaya, wala nang nakikialam saatin, napalayas natin ang ang mga lintang banyaga at pwede na nating itayo ng pataas ang ating sarili, hanggang sa nag-piyesta tayo, masaya ang bawat pilipino, tuwang-tuwa na naging malaya hanggang sa dumating ang bukas nagkaroon tayo ng isang lubhang malaking utang na dapat bayaran, na di natin alam kung saan galing ang pera.

    What went wrong

    Noon mayaman ang pilipinas, problema malungkot ang pilipino, ngayon buong tapang at masaya ng sobra ang pinoy, nagkaroon pa tayo ng record the happiest country of asia problema naging mahirap ang pilipinas.

    What went wrong?

    Di ko talaga masasagot ang tanong na ito what went wrong? kung baka sakali, parang alam ko na kung ano ang dahilan, di kayay sa pagiging makasarili natin ang dahilang tuluyang bumaba ang pilipinas? Yan ang susunod na tatalakayin ko.


    Posted at 01:48 pm by IPV_XIII
    Make a comment

    Monday, March 21, 2005
    KFC and the inhuman treaty towards animals

    Message from our next door neighbor kwentong Enigma about the TREND "that meat eaters will convert themselves through vegetarianism", but that's not what the story is all about. actually they told me to watch a couple of videos about KFC and the inhuman treaty towards animals. Since because I provide video's on this blog page your are welcome to watch it because it is not really ours.

    [CLICK ME] why we should boycot KFC
    [CLICK ME] why meat-eaters convert themselves to vegetarianism

    Anyway for what I have watched, I discovered that KFC has a subject of an animal cruelty, they say that chickens are treated as an object and not animals, well mostly chickens are the most pitiful animals on the face of the planet.

    Animal treaty is important to any slaughter house. In hunting or slaying animals, there is what we called, "mercy killing" which it means we must kill them dead before butchering, if we butchered an animal when it is still alive, that is somehow inhuman.

    There is another saying, "don't play with your food" for what I understand in the movie clip so far, we must also respect animal's right even though they are somehow food. if not. well its just remain inhuman, torturing animals are just same as killing a people's life.

    In the movie clip, they had mentioned that animals are sick, weak and other things to say as if there condition are worst and higly maladaptive. Is this the reason why some of the animals have foot and mouth disease because of there worst condition? Is this the reason why some of them provide high blood and any other disadvantage once we eat them? what ever the reason was we must stop this madness.

    LET's Boycott KFC because of providing cruelty of animals.




     

    Posted at 06:48 pm by Vian
    Make a comment

    Previous Page Next Page