Welcome to my Blogsite





MGA KWENTONG UNKNOWN













IPV_XIII
Male
EVERYWHERE


NAME:
IPV_XIII

ADDRESS
Kahit saan sa mundong napupuntahan ng ilan pero nag-migrate ako sa mars.

ABOUT ME
Si IPV_XIII ay kasalikuyan pang inaalam ng Siyentipiko at simbahang katoliko ukol sa mga theorya kung sino ba talaga siya...

AGE
9999

About this blog

Ewan ko kung ano nga ba ang tungkol sa blog na ito, maraming nagsasabi na ang blog na ito ay kwentong bayan, basta ang alam ko lang na ang blog na ito ay kwentong unknown....

Questions

Kung may tanong, sumulat lang sa tagboards sa may baba, bawal ang flood kung gustong alamin ang aking sikretiong private email, ay hindi ko na sasabihin kasi kung sinabi ko hindi na siya sikreto pero pwede ring naman patulan yung email na nakasulat sa baba..

Email
>>>>vampiric_tutor_16[at]yahoo.com <<<<

pwede niyo na rin siya I-add sa walang kamatayang friendster (wag kalimutan ang testimonial) kung may tanong at pakirandam niyo na natamaan kayo sa sinulat ko send lang sa email sapat na saakin ang death threat wag lang ang virus


PINANGGALINGAN

  • Evianese Underground


  • CLICK ME


  • FAQ

    para sa mga nilalang na gustong magtanong.... (coming soon pa sa totoo lang tinatamad na akong gumawa ng web page at hindi ko kayang sagutin ang mga tanong ng bawat nilalang sa mundong ito, nauubos lang ang oras ko blah blah blah blah)

       

    << November 2009 >>
    Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
    01 02 03 04 05 06 07
    08 09 10 11 12 13 14
    15 16 17 18 19 20 21
    22 23 24 25 26 27 28
    29 30



    MGA KAPITBAHAY NAMIN

    KWENTONG ANONYMOUS

    KWENTONG ENIGMA

    KWENTONG OBSCURE

    KWENTONG INDISTINCT

    KWENTONG UNKNOWN



    MGA QUOTES Galling kay Bob Ong











    OTHERS


  • Deviant Art


  • Contact Me

    If you want to be updated on this weblog Enter your email here:


    rss feed

    blogdrive

    Thursday, October 18, 2007
    Alamin ang dahilan bakit ko tinapon ang cellphone sa hagdanan

    Isang araw mayroon akong cellphone na vodafone, bigay saakin, pero ang tanong ko sa nagbigay saakin anong gagawin ko dito? wala naman akong ka-textmate, uubusin lang ang pera ko para sa 300 prepaid load, nag-eexpire, at bakit pa kinakailangan akong guluhin ng SMART para sabihin saakin na may ka-textmate ako at may bonus na hindi naman ako interesado?

    Ayun ipinagkalat ko sa lahat na may cellphone na ako

    Ako: MAY CELLPHONE NA AKO YEHEY!!!

    Mga Epal: UY BODAHPOUNE ANONG NAMBER MOH?!?!?!

    Mga Epal ulit: UY TEXMEYT SIGE AH BIGYAN KITA KOUTS

    Ako: EH

    alam ko na naranasan niyo na rin ito....

    Kaninang umaga hinihintay ko ang tawag ng isang kaibigan, para alamin kung tuloy ba ang lakwatsa o hindi para naman mapakita ko yung aking mga inilikhang letrato sa kanya, oo tumawag siya sabi magkita kami sa isang lugar na alam ko kung saan kaming magkikita, sabi ko darating ako dyan ng isang oras.

    nagkataon wala siya, nasaisip ko na Inindyan ako, at kung sasabihin ko sayo ang totoo, insulto saakin ang taong bigla nalang nawawala, tulad ng kaibigan kong hamog na di ko alam kung siya ay si halo man

    Sa di kanaisnais may nag-text saakin

    (RING RING)

    Saan ka?

    nagkataon wala akong load, pero ang nasa isip ko nasaan kayo, umiinin na ulo ko, high blood pa ako, wala akong load, tumawag ka nalang kung nagtext ka man uli na; "nasaan ka" pipilitin ko tawagin si madam Kutstra para alamin kung nasaan ka at kapag nahanap kita, Magiging incredible hulk muna ako tapos uubusin ko ang ang lahi niyo BWAHAHAHAHA

    pero sa di kanais-nais text ulit; "Nasaan Ka" 

    HAY nako, sa tigpipisong load dinila ilagay sa simpleng pangungusap, pwede naman pahabain tulad nito "Nasaan ka? nandito ako sa (lugar) tawag nalang ako blah blah blah" pero hindi eh, text lang na; "Nasaan ka"

    Kaya eto nalang ang gagawin ko, bago ako makupit ng magnanakaw para kuhanin ang cellphone ko, eto nalang ang isang bagay na tipong maglilihum sa aking hinagpis. umuwi muna ako sa bahay at pumunta sa rooftop, tapos inihagis ko ang cellphone ko mula hagdanan hanggang sa ibaba, ayun warak ang cellphon ko

    pero ang masaklap dito masaya na ako


    Posted at 07:41 pm by IPV_XIII
    Comments (2)

    Saturday, October 13, 2007
    dskfbdsjvbrsj jbvih wala

    Kumusta na, pasensya na kung di ako masyadong nagsusulat este type dito sa blog na ito, maraming pangyayari na gusto kong sana isulat dito kaso, napapaisip ako kung gagawin ko ito o hindi.

    sa kamay ko lang ang nakasalalay kung gusto kong sabihin ang naka-ukit sa utak ko o hindi, maaring delikado o nakakabuti sa karamihan ang nilalaman ng aking isipan o sabihin nalang nating emosyon, Siguro mapapaisip kayo kung bakit ko ito sinasabi, ang totoo niyan eh marami nga talagang nangyari saakin, marami na rin akong naranasan sa labas, lalo na ang mag jaywalk sa delikadong kalsada na muntik ko nang ikamamatay.

    sa pangyayaring ito, gusto ko sanang ipaalam na kinakailangan ko nang ipagkalat ang aking impluensya o naranasan, simula pa lang kung saan nagawa ang Kwentong Unknown ang totoo niyan ang tawag dito ay Evianese Underground o EU, yung site na ito na nabura sa mundo ng internet dahil ang dami kong mga mensahe na tipong mga pagsasaad ng Advertisment ng Viagra at Condom. Wala akong pakiaalam dun kaya dalawa lang ang pagpipiliian burahin o tiisin ang walang kwentang spam na di ko kinailangan sa buhay.

    bura na ang EU pero babalik ito kung nakahanap ako ng paraan o kung nakahanap ako ng saklolo sa mga publisher o copyright ng sino mang kumpanya, pero ang pagsubok na ito ay hindi nagiging madali, simula pa lang sa magulang hanggang sa aking ikinabubuhay.

    Gusto ko na sanang pumanaw pero, may dahilan pa kung bakit ako nabubuhay, isang dahilan lang kung bakit nabubuhay ako, yan ay tungkol sa tinatawag kong "LEGACY" kung ano man ito sa ating wika. Ito ang layunin ng isang manunulat, gusto kasi ng manunulat na malaman ang nasa kalooban nila, gusto nila baguhin ang mundo kaso, ni minsan di sila sinuswerte, kabilang na ako sa mga taong tipong minamalas, dahil kaunti na lang baka sumuko pa ako at sunod niyan baka makita mo na ako sa abs-cbn o sa gma naging artista na ang ginawa lang ay mag-paalipin umiyak o gumaya ng palabas na isinagawa ng taga ibang bansa.

    habang may buhay may pag-asa, kaya habang nabubuhay pa ako, ipinagdadasal ko na sana makamtan ko ang aking pangarap bilang isang manunulat

     


    Posted at 07:19 am by IPV_XIII
    Comments (1)

    Thursday, January 18, 2007
    Blog01 - Before Genesis

    First Blog...

    All of you are mere peons in this Grand Game called Life. Except for a few persons such as Me who can think and see beyond the fabrics of reality, all of you are mere sycophants that are ready to roll over and die without so much as whisper of protest - not because you don't like it, but just because it was and it is.

    Before life, there exist knowledge and before knowledge came, there is what we called Providence. When things will cease to exists and when things will come back to dusts, the only thing that will be left behind is what you've known and on how you've use what you've known in your pursuit of happiness in relation to others.

    WHat is man that God make so much out of him? It's because we remind Him of what He once was. Our Dreams, Our Frailty, Our Weakness and Our Strength. And when the time comes that your pitiful soul meets thy Maker face-to-face, it will not matter whether you've lost your kikay kit or your gf is the most  beautiful creature this side of the planet. What will matter in the end is you and you alone can justify your existence and why it is important for you to continue to exist After End to the Face of Our God thy Father and thy Maker.

    I am Darkstar and I am a Reality Breaker.

    Good Day Humans.

     



     

     


    Posted at 06:42 pm by Darkstar - The Critical Thinker
    Make a comment

    Mga Kwentong DFA

    Kumusta kabayan

    balik uli ako sa pagsusulat ng kwento, hindi na yung assignments o reaction paper na kailangan kong ibigay sa mga prof. kong mataas ang IQ at mabaang EQ sa dalubhasang paaralan. Medyo magbabagong buhay muna ako pagdating sa pagsusulat, napansin ko lang sa mga sinusulat k ay puro mga reklamo sa bayan at puro tungkol sa mga bagay na gusto kong mangyari... Ngayon aalisin ko na ito at papalitan ko naman ang kwento ito tungkol naman sa Inyo... oo kayo... hindi ako... kayo mga pinoy diyan mula luzon hanggang mindanao... usapan pamilya lang ito, at bawal ang mga banyaga kaya nga naguusap tayo gamit ang wikang filipino...

    Dahil ang kwento naman ay tungkol sa inyo, malamang siguro sisimulain ko muna ang kwento tungkol sa DFA... nga pala dito ako mag-OJT aka "ON JOB TRAINING" alamin niyo nalang kung sino ako sa mga aplikanteng sumali basta hindi ko sasabihin yung tunay kong pangalan.

    nagsimula ako pumasok sa DFA mga Enero 6 lunes nang madaling araw, sabihin natin mga 5:00am, sakay akong jeep, maraming mga taong naka-Formal mga iba diyan mga nars, doktor, mga negosyante, mga civilian at siyempre naman di mawawala ang mga istudyanteng galing La-salle na hindi naman nila kinailangang magsuot ng pang iskwela.

    bago pa man ako makapunta sa territoryo ng DFA, bigla ko nalang itinanong kung saan ang DFA, buti nalang may jeep uli na papuntang DFA, bayad ako ng..... mga magkano uli yun...

    <pause> 1 2 3 binayad ko mga 20php at nalimutan kong kuhanin ang sukli <pause>

    basta.... nang napuntahan ko na ang territoryo ng DFA, pansin ko ang daming mga nialang na nagpapakuha ng passport, napagkamalan nga nila ako na naghahnap ng passport, o kaya'y mga bagay tulad ng I.D, 1by1 picture o kung ano pa man mga bagay na nakakaistorbo sa aking paglalakbay.

    tapos pasok na ako sa lobby ng DFA, sabi kasi ng guard na doon daw ako pupunta sa front gate para makapasok ako sa OJT, yan at doon din nagtapos ang kwento ko pag-punta sa DFA kasi wala daw yung OJT coordinator at sabi daw balik nalang daw ako sa Jan 16 kasi pumunta daw sa Cebu

    kaya yan The End

    mga kwentong yan matatagpuan lang sa kwentong Anonymous, tinatamad akong sulatin ang link na yon, basta hanapin mo nalang ito sa pamamagitan ng yahoo o ng google

    pero sige na nga sulatin ko na, eto ang link

    www.ipv-xiii.blogdrive.com

    patulan niyo na rin ito


    Posted at 06:27 pm by IPV_XIII
    Make a comment

    Monday, April 03, 2006
    Funny mind map

     

     

     

    mind map tungkol sa globalization, yan lang

    http://www.deviantart.com/deviation/31237868/


    Posted at 05:19 am by IPV_XIII
    Make a comment

    Wednesday, February 15, 2006
    Neo Political satire (courtsey from the movie Syriana)

    (Courtesy from the movie Syriana)

    I still cannot believe that every government in the world is corrupted, for what I have learned, corruption is the only way to make you safe and because of corruption we always lead you to winning. You really have to become corrupt in order to get what you really want, it is an unfair fight which leads you to win in every kind of situation, yet pay a very high price, now that’s the reason why third world countries remain so poor.  Now I understand why Neoliberalism was desperate to have a minimal government in a state.

    Economy is divided into a different kind of categories, Sociology, Mathematics, Psychology, Politics, Government and Religion, wait why religion, we must always take note and accept the fact that religion is always used to bond people.

    A country who has absence of foreign relation may have a chance to be developed, but since because of globalization and international trade, that country has tendency to be drowned by its own pride were the economy becomes downgraded, welcome to 21st century. A symbol of a child who is an independent swimmer which suddenly drowned in a pool for some reasons (have you watch that scene in Syriana)

    Remember that neo liberalism, neomerchantilism and Neo Marxism provides a good counterpart solution which also gives a greater disadvantage to an economy depends to the three theories, in layman’s term; today’s solution will become tomorrow’s problem.

    Human’s are parasite don’t you agree?

    When in times of protecting infant industries and protecting government control industries, be warned that once you’ve compete this kind of businesses, once you won the competition, you will be expecting that the government will do everything to shut down your business down.

    Reason why a wealthy man helps the weak, the reason why that man helps the weak, it’s not because he cares or so, but because he desperately needs something from the weak in return. now that’s a coolest way to corrupt someone.

    People are too ignorant when it comes to trade sometimes, imagine if a hegemonic country wanted to trade 900 monkeys from a 300 carabaos  from a third world country, some of them accepts their trade, why because majority of them believe that the superior is always right, even though their trade is useless, besides who need 900 monkeys anyway. (Cue: trading raw materials from a surplus material and trading agriculture to a technological item)

    We must always remember that no matter what happens to a third world country, we will never be killed by a first world country, why? Because if they destroy and eliminate the third world country, how can a first world country manage to do business without the raw materials and textiles they really need?


    Posted at 04:42 am by IPV_XIII
    Comments (1)

    Thursday, February 09, 2006
    Responsibility reaction paper

    Responsibilidad. Kahit saan ka mapunta kahit saang lupalop ka mapupunta di mo pa rin maiiwasan ang responsibilidad sa buhay mo. Kung ikokompera ko ang buhay ko sa kwento tungkol sa Ama at anak na ang kwento ay tungkol sa golp na nakatutok naman ang kwento sa responsibilidad, sa katunayan hindi naman kwentong golp ang buhay ko, kundi ang kwento kung paano ako manalo sa laban, sa loob man o sa ilabas ng aking tahanan, lagi kong iniisip na ang mundong ito ay labanan ng malalakas, lahat isusugal para lang manalo, nga pala ang laban na tinutukoy ko yung homework, assignment, mission, quizzes, research o kung ano pa sa dalubahang paaralan (hindi lang pala sa paaralan). hindi ko na naranasan ang magkaroon ang ama, pero simula pa lang ng aking buhay, responsibilidad na ang una kong narinig sa magulang, teachers, kaibigan at sa sarili ko. pero alam niyo ba na hindi naman talaga akong responsableng tao noong umpisa, dahil lang dun lumaban ako na walang sandata, kabiguan ang aking kalabasan.
     
    Nang naging responsableng tao ako, kahit na ibang tao ay hindi naniniwala saakin, ito lang siguro ang natutunan ko, alam mo kung ano ang isinusugal mo, ibig kong sabihin alam ko kung ano ang magiging resulta kung mananalo ka man o hindi. lahat talaga ay puro sugal na pinahirapan mo, at hindi lang itong basta-bastang lottery ticket na bigla ka lang mananalo na parang bula, sugal ito na talagang pinaghirapan mo na alam mo na mananalo ka o hindi sa paligsahang ito.
     
    tulad ng sinabi ko kanina lang, hindi ko na naranasan ang magkaroon ng sariling ama, hindi ko na maalala kung sino ang unang taong nag-kwento saakin tungkol sa responsibilidad, dahil alam kong hindi ito maiiwasan at alam kong kailangan natin ito sa buhay natin, naisip ko na balang araw magkakaroon din ako ng isang anak na katulad ko na mas-masama pa kaysa akin, gusto ko sanang gumawa ng isang papel sa buhay kung ako ay naging ama ng batang iyon, gusto ko sanang hindi mangyari sa kanya ang mga hinagpis na nadaanan ko noong nabuhay pa ako bilang tao, gusto kong ituro sa kanya ang responsibilidad na itinuro saakin ng aking magulang at guro, kahit na alam ko na salitang ito ay hanggang salita lamang.
     
    yan ang kwento ko tungkol sa responsibilidad, mahirap man ipahilom ang aking kabiguan, pero swerte rin naman na buhay pa ako sa mundong ito, ngunit sa kabila naman ng buhay ko ang siyang naging kadiliman ng aking sarili dahil sa pabaya. pero aaminin ko sayo na mahirap din maging responsible kahit papaano, marami din kasi akong takot sa buhay, lalo na kung ano ang tingin ng mga tao saakin kung ako ang natagumpay o nabigo sa mga pinaglalababanan ko, kahit natagumpay ka o nabigo nakatatak pa rin ang responsibilidad sa ulo ko, ganyan ang buhay sabi ng aking sarili at ganyan ang kwento ko ayon sa mga natutunan ko tungkol sa buhay sa planetang ito.
     
     

    Posted at 06:35 am by IPV_XIII
    Make a comment

    Wednesday, February 08, 2006
    Ultra disaster, wowowee aniversary nasawi, jackpot dedo o kung ano pa man nabasa kong article

    I feel no pity in the ultra incident, I mean why someone would want to join the so called raffle crap to win a jackpot prices just to earn for a living, Even though they knew the chances of winning is 0.1%? We all know that the only thing to survive this so called life is to work harder and take responsibilities, I know that its sounds cliché but that's the only way.

     

    The only thing I can say to this kind of incident is; "This maybe the lesson for those people who believe in luck, luck will lead you to nothingness, even in death won't save us all, but in hard work shall give you a price of a reward of your own choice"

     

    (Or in other words)

     

    "Huwag nyo silang bigyan ng isda bigyan nyo sila ng panghuli para matuto sila kung paano mabuhay na pinaghihirapan ang kanilang ikabubuhay!"

     

    (isipin mo nalang na nanonood ako ng pera o bayong na tinanong ni pareng willie sa isang ina na may 6 na anak na tinanong sa kanya kung ano ang trabaho nila? sagot wala)

     

    In my opinion, there's nobody else to blame to this incident, we can all say that poverty is behind all this… but speaking of poverty there is one story which I would like to share…

     

    Speaking of poverty, by the time I is still researching to find prove that "is it true that the majority of a Filipino population is born in a middle class?" still looking for the right answer regarding through this topic…

     

    (sa totoo lang napapagod na ako dito)

     

    dahil lang sa research na ito may nag-imbita saakin na manood ng wwe live tour sa araneta, guess what! P10,000 yung ticket and guess what! Out of stock na yung ticket at yung 500-1000 peso seat out of stock na rin… strange ganyan ba talaga kayaman ang Pilipino? o nakuha lang yan sa text ng jack T.V?

     

    Sayang gusto ko sanang manood pero ang mahal talaga P10,000 isipin mo? masnakakabuti siguro na wag nalang, ubos na nga ang pera ko, ubos na rin ang oras ko


    Posted at 06:13 am by IPV_XIII
    Comments (1)

    Wednesday, January 18, 2006
    Paranoia

     

    Paranoia is a major reason why everything is leaded to war, it all started in a scene of misunderstanding then here comes the threat and finally the evolution of failure of communication, the cold war is not supposed to be winning the war but it suppose to be how people preventing the war, unfortunately it was luck who save us from the nuclear war. Don’t you think it’s odd why America don’t like the Communist so much? It’s not because the ruling of J.Stalin and his fellow soviet taking over for world domination, its not because the USSR want to spread communist ideology throughout the world, but its all about business. You see capitalist cannot provide there business if people are having equality of conditions, there business will lead to bankruptcy, if they don’t take any actions. Speaking of business, majority of a Europeans state are all capitalist and the plan of USSR is to make Europe a Communist state, which is apparently a threat to a capitalist as well. But what about china for instance they become communist, as well as Vietnam North Korea actually majority of Asians are communist by nature and it was not the Soviet who made them communist and what about the dollar economy the destruction of the iron curtain maybe the answer between this two conflicts are paranoia, that’s all there is to be they thought the Russians are spreading Communism through the world and they though America wants to dominate everything, what can you expect? It will lead to war, from a paranoid people to a simple misunderstanding.


    Posted at 05:17 pm by Vian
    Make a comment

    Friday, December 02, 2005
    Tamad nga ba ang mga Pilipino

    Tamad nga ba ang mga pilipino?

     

    Hindi siguro, kung makikita mo lang sa ating mga kababyan nating OFW at OCW ay nagsakripisyo sila para pumunta sa ibang bansa para tulungan ang kanilang anak at ang ating ibang bayan dahil sa mga dolyares na ibinibigay nila buwan-buwan.

     

    Kung makikita mo lang ang mga ang kababayan nating pumunta sa ibang bansa, ay hindi naman talaga sila tinatamad magtrabaho, halos sinusunod ang kanilang batas at . . . .

     

    Teka lang napapalayo na tayo sa kwento, kung tutuusin puro ibang bansa lang ang pinag-uusapan dito, pero kung tatanongin mo lang saakin kung tamad nga ba ang mga pilipino? ay dalawa lang ang masasagot ko, oo at hindi, depende.

     

    Yung oo sinabi ko na at yung hindi, ihanda mo na ang sarili mo para ika’y mabinyagan sa katotohanan.

     

    Ayon sa mga naranasan ko, nagkaroon kami ng renovation sa bahay, kinakailangan namin ng karpintero, sa unang linggo, maganda naman ang kanilang hanapbuhay, pero nang dumating sa huli, di ko na alam kung ano ang nangyari, dati rati ay walo ang pumasok, nang nakatapos ng isa o dalawang linggo, tatlo nalang ang pumasok, hanggang sa tuluyan nang nawala at nagkaroon ng unfinish project, na ganito rin ang nakikita mo sa express way. Hanggang sa nalaman ko kung bakit, nakulangan daw sila ng sahod sa kakabili ng sobrang dami ng materyales, kaya tinamad na sila magtrabaho, wika nga.

     

    Kung sa paaralan din kung tawagin, mayroon din namang ibang mga kaklase na gusto niyang wala siyang ginagawa, basta mabayaran niya lang ng sapat sa kanilang proyekto pasado na siya, dahilan daw tinatamad daw siyang gumawa, nasanay sa utos, wika nga.

     

    Sa isa pang-huling hirit ng sinabi ng isang “foreign germs” saakin tungkol sa katulong, sabi daw niya; (nakasalin sa wikang tagalog)“di raw mabubuhay ang pilpino sa amerika kapag “winter”dahil daw nasanay na sila sa pagkakaroon ng katulong”, tamad daw kasi sila. Wika nga!

     

     

     

     

    Kung sasabihin ko sayo ang totoo, hindi naman talaga nabuhay bilang tamad ang mga pilipino. Sa isang pahina na nabanggit sa libro na ginawa ni Zaide; Ayon daw kay Rizal, hindi naman talaga tamad ang mga pilipino. At eto ang kanyang dahilan.

     

    Tayo daw ay nakatira sa isang “tropical island” na tag-araw at tag-ulan lang ang panahon di kagaya ng iba na may “winter, spring, summer at kung ano pa”. Kung ang panahon ay malamig, masyado tayong antukin, nahirapan daw gumalaw. at kung ang panahon ay mainit, nahihirapan naman tayong buhatin ang ating katawan, kasi bwusit daw ang init.

     

    Di ako sigurado kung tama nga ba ang mga sinabi ni ka-Jose Rizal, sa naibanggit sa taas, pero aaminin ko sayo na naranasan ko na rin ang katamaran sa buhay, dahil na rin sa naibanggit sa itaas.

     

    Ang katamaran ay isang sumpa na ibinigay saatin, hindi ko alam kung paano ko ito lutasin, pero ang tanging masasabi ko lang ay “ wag sanayin, kinakailangan itong labanin” buhay na ang nakasalalay kung ika’y tamarin.

     

    Isipin mo: kung ang iyong pinakamamahal na nilalang ay nangangailangan ng tulong, dahil sabihin nalang natin na sasagasaan ng tren, darating ka ka ba para tumulong o tatamarin ka sa iyong unawa? Nasa iyo na ang kasagutan, isa lang dapat ang pag-piliian.

     

    Tamad nga ba si Juan tamad? Sa aking paniniwala, hindi. Sa mga sinabi ni ka-Jose rizal, hindi na rin ako naniwala, dahil kung makikita mo ngayon ang iba-pang “tropical countries” ay medyo at parang umuunlad na sila, pero tayo naman ang buma-baba. mga tribo nga parang lubhang nasanay na sila sa panahon, na-parang di sila tinatamad magtanim ng palayan ng sobrang aga.

     

    Ang dahilan kung bakit tayo nabuhay o nasabing tamad, ay dahil nasanay na tayo sa ginhawaang inimpluwensyahan ng mga makapangyarihan. Dito na tayong nag-umpisang nasanay at sa bandang huli natapos na ito sa katamaran.

     


    Posted at 01:43 pm by IPV_XIII
    Make a comment

    Next Page